Kami ay isang grupo ng mga taong mahilig sa teknolohiya ng networking na hindi na kayang tumayo lamang sa gilid at panoorin kung ano ang nangyayari sa kasalukuyang mundo at makita kung paano napapawi ang mga pangunahing balor ng kalayaan sa ating lipunan. Napagpasyahan naming makisali! Kami ang 1984 Group.
Ang aming mga pangunahing balor ay ang proteksyon ng lahat ng mga Karapatang Pantao tungkol sa pagkapribado ng komunikasyon at kalayaan ng pagpapahayag sa sarili. Nais naming itaguyod ang mga balor na ito sa sangkatauhan sa pamamagitan ng manipestong ito at bumuo ng isang matibay na pundasyon para rito sa lubos na teknolohikal na lipunan sa hinaharap. Nais naming magbigay ng kontribusyon sa pagbuo ng isang lipunang namamahala sa sarili na sumasaklaw sa humanismo at kalayaan.
Sa mabilis na gumagalaw na mundo kung saan tayo nabubuhay ngayon, na napupuno ng napakaraming uri ng teknolohiyang pang-impormasyon, ang maaasahang komunikasyon ay naging isa sa pinakamahalagang sangkap ng ating buhay. Ang lahat ng ito ay tunay na nagsimula nang ang unang piraso ng datos ay ipinadala sa ARPANet at nangyari ang unang koneksyon ng datos. Bigla tayong pumasok sa isang bagong dimensyon, ang espasyo ng impormasyon. Mula noon, mahigpit na binabalot ng mga channel ng komunikasyon ang ating planeta at binigyan tayo ngayon ng kakayahang maglipat ng napakalaking mga halaga ng datos agad-agad.
Ang mga network ay nagbigay sa atin ng pinakamahalagang elemento - Kalayaan. Ang bawat tao ay biglang nagkaroon ng pagkakataong maipahayag ang kanyang mga opinyon at pananaw sa anumang paksa sa Internet. Dahil sa kadalian ng pag-akses sa impormasyon, halos imposibleng itago ang anumang mga balita mula sa publiko. Ang pagsesensura ay halos wala na. Maraming mga serbisyo tulad ng e-mail ang nagsimulang maging popular. Gayunpaman, ang kadalian sa pagbabahagi natin ang impormasyon ay lumikha ng isang ilusyon ng pagkapribado at pagkaanonimo tulad ng pagbibigay sa atin ng e-mail ng ilusyon na ang mga nilalaman ng liham ay mananatiling kumpidensyal at hindi babasahin ng isang di-mapagkakatiwalaang kartero. Nakalimutan natin na ang lahat ng ating mga aktibidad ay maaaring masubaybayan at ang ating mga datos ay maaaring magamit para sa ibang mga layunin ng mga pamahalaan at pribadong mga korporasyon, at sa kasamaang palad, ito mismo ang nangyari.
Ang mga pamahalaan ng halos lahat ng mga maunlad na bansa ay nakikipaglaban sa isang di-nakikitang digmaan sa kanilang pangunahing kaaway - ang malayang lipunan. Ang lahat ng mga salita at pahayag tungkol sa kalayaan, demokrasya at ang mga pundamental na prinsipyo kung saan itinayo ang ating mundo ay isang kampanya lamang upang makaabala, ligawin, maloko at makontrol ang mga malayang tao. Sa ilalim ng alamat ng kalayaan at demokrasya, ang isang ideyal na estadong pinapatakbo ng mga pulis ay nabuo kung saan ang buhay ng bawat nasasakupan ay dapat na maging ganap na naaayon sa pamantayan at kilala. Ang demokrasya sa orihinal na kahulugan nito - ang "pamumuno ng mga tao" - ay isa pang ilusyon. Sa pamamagitan ng pagkontrol sa mass media at pagmamanipula sa social media, ang mga pamahalaan at pribadong korporasyon ay nakalilikha ng mga kanais-nais na kalakaran at ipinamamahagi ang mga ito sa masa. Ang anumang paglihis mula sa mga kalakarang ito ay itinuturing na hindi katanggap-tanggap at pinipigilan ng pamahalaan mula mismo sa kanilang mga pagsisimula.
Bilang napagtanto na ang antas ng kalayaan na maibibigay ng mga network sa mga grupo at indibidwal, nagpasya ang mga pamahalaan na sakupin at sirain ang lahat ng mga pangakong pag-unlad sa partikular na larangang ito na lalong nagsimulang lumitaw sa modernong mundo. Ang mga pamahalaan, sa pakikipagtulungan sa mga pinakamalaking korporasyong IT sa buong mundo, ay may layuning makamtan ang pangingibabaw ng kumpletong impormasyon sa buong mundo. Upang makamit ang kanilang mga layunin, ang mga pamahalaan ay handang gawin ang bawat labag sa batas at di-etikong hakbang na kinakailangan upang maagapan at masuri ang bawat datos na ipinapadala sa anumang network. Ginamit ng mga pamahalaan ang bawat posibleng pamamaraang magagamit, nag-install sila ng mga hardware patch sa mga network device, pinilit nila ang mga kumpanyang IT papasok sa iligal na kooperasyon, lumikha sila ng mga batas na ginawang ligal ang pagsusubaybay at nangolekta sila ng mga pribadong datos ng mga tagagamit mula sa web.
Noong dekada 60, nakikita ni George Orwell ang isang hinaharap na nagtatampok ng isang ideyal na estadong pinapatakbo ng mga pulis, kung saan ang mga Pulis ng Pag-iisip ay aaresto ng mga tao sa sandaling maipalabas ng kamalayan ng mga tao ang maling impormasyon mula sa pananaw ng gobyerno, at ang Ministeryo ng Katotohanan ay nagbibigay lamang sa lipunan ng "tamang" uri ng impormasyon na dumaan sa sobrang higpit na pagsesensura. Iniisip namin na hindi maaaring naipalagay ni Orwell na sa ika-21 siglo, sa ating mundo ng mataas na teknolohiya, ang ilang mga bansa ay magtatrabaho tungo sa buong analohiya ng kanyang anti-utopia. Sa tulong ng mga network, ang mga gobyerno ay may isang dakilang arsenal para sa pagsubaybay sa sinumang indibidwal. Sa pamamagitan ng pagkontrol sa daloy ng impormasyon, mayroon silang kakayahang sugpuin ang anumang pagtutol mula sa sinumang indibidwal sa pinakamaagang yugto ng paglipat ng datos sa network. Sa pamamagitan ng pag-filter ng lahat ng di-maaasahang impormasyon at pagbibigay sa mga tagagamit ng impormasyon na kapaki-pakinabang sa kanila, ang gobyerno ay may napakalakas na instrumento ng pagsesensura sa kanilang mga kamay. Sa pamamagitan ng pagharang sa mga tawag sa telepono, pagbabasa at pagsusuri ng mga e-mail at mga instant message, ang mga pinuno ng mga teknolohikal na pamahalaan ay hindi gaanong nagmamalasakit tungkol sa kalayaan sibil. Ang pagkapribado ng komunikasyon ay isang mahalagang bahagi ng mga Karapatang Pantao. Ang karapatan sa pribadong komunikasyon ay napatatag na sa karamihan ng mga konstitusyon ng mauunlad na bansa. Gayunpaman, ang iligal na nilikhang mga batas ay nagpapatalsik sa mga ito. Walang sinuman ang nag-iisip tungkol sa iyo kapag ang isang karagdagang batas o pagbabago ay lumabas na nagdidiskrimina laban sa huli sa iyong mga di-maaalis na karapatang pantao para sa kalayaan ng pagpapahayag at karapatan sa pagkapribadong may kinalaman sa iyong mga saloobin, ideya, salita at damdamin. Sinusuri ng mga korporasyong IT ang lahat ng iyong mga datos kasama ang iyong mga kagustuhan, galaw, tawag, contact list at pag-uusap sa mga social network. Mahirap hulaan ang pagbuti sa pagiging epektibo ng mga naturang pamamaraan limang taon mula ngayon, lalo na sa mabilis na paglaki at pag-unlad ng ipinamamahaging ledger na teknolohiya at ang pag-digitize ng pagkakakilanlan. Pinapayagan ng mga pagsusuring ito na mapabuti ng mga korporasyon ang kanilang monetization sa iyo at matagumpay na makipagtulungan sa gobyerno upang higit pang mapag-aralan ang mga datos para sa pagtutol at anumang potensyal na pakikipag-ugnayan sa mga di-mapagkakatiwalaang indibidwal mula sa pananaw ng gobyerno. Sa paglipas ng panahon, ang paranoyd na kalakarang ito ay magiging mas malakas, at gayon din ang mga kapangyarihang nagkokontrol sa sentralisadong teknolohiyang ito. Sa pamamagitan ng pagiging walang malasakit ngayon, sinasadya mong sumasang-ayon sa katotohanang ang iyong kalayaan ay maaari, at talagang aalisin.
Ang tanging solusyon sa problemang ito ay ang kabuuang desentralisasyon. Ang lahat ng may sentro ay mahina. Ang isang desentralisadong network ay hindi maaaring kontrolin, at ito ang nagpapalakas dito. Ano pa ang makatutulong upang maprotektahan ang iyong mga datos? Ang pag-encrypt! Ito ang aming pinakamalakas na armas. Ang mga naka-encrypt na mensahe ay madaling kumalat sa isang desentralisadong network nang walang anumang mga hadlang, at maaari lamang hulaan ng pamahalaan ang mga nilalaman ng mga mensahe at mga partidong kasangkot. Gamit ang aming messenger, mayroon kang ideyal na kasangkapan upang mapanatiling pribado at ligtas ang iyong komunikasyon.
Ikaw lamang ang maaaring magbalik ng pagkapribado sa iyong komunikasyon at gumawa ng mahalagang hakbang na ito tungo sa kalayaan sa ating lipunan. Habang binubuo ang Utopia, nakinig kami sa mga alalahanin, ideya at kagustuhan ng mga tao mula sa buong mundo. Ngayon, binuo namin ang instrumento na makatutulong sa iyo na maibalik ang kalayaan sa pagpapahayag at pagkapribado ng komunikasyon sa iyong buhay.
Ang Utopia ay isang desentralisadong network na walang sentral na server na kasangkot sa paghahatid o pag-imbak ng mga datos. Ang network ay suportado ng mga taong gumagamit nito. Sa Utopia, maaari kang magpadala ng mga instant text at voice message, maglipat ng mga file, mga channel upang magpatakbo ng blog o news feed, at lumikha ng group chat o magsagawa ng pribadong talakayan. Ang isang channel ay maaaring ma-geotag gamit ang integrated uMaps na pinapasimple ang paghahanap sa mga channel sa Utopia sa buong mundo at nagdaragdag din ng karagdagang seguridad upang hindi na kailangang gumamit pa ng mga pampublikong mapa. Ang lahat ng pinansyal na punsyonalidad ay matatagpuan sa Utopia built-in uWallet na maaari mong gamitin upang gumawa at makatanggap ng mga pagbabayad na may denominasyon ng cryptocurrency na 'Crypton' ng Utopia, makatanggap ng mga pagbabayad sa iyong website, makabayad gamit ang mga Crypto Card nang hindi ibinubunyag ang iyong Public Key o i-bill ang mga kapwa mong tagagamit ng Utopia para sa iyong mga serbisyo. Kasama sa iba pang mga feature ang isang binuong API para sa mabilis at madaling integrasyon, ang kakayahang mag-tunnel ng data sa pagitan ng isang tagagamit na nagmamay-ari ng isang uNS na pangalan at iba pang mga tagagamit ng network, nang sa gayon ay pinapayagan ang mga website na mai-host sa loob ng Utopia.
Mayroong kalayaan, ngunit para lamang ito sa mga tunay na nangangailangan nito. Sa pamamagitan ng pagprotekta sa iyong sariling indibidwal na kalayaan ay itinataguyod mo ang ebolusyon ng sangkatauhan, at sa iyong tulong maaari kang magpatuloy sa susunod na yugto ng pag-unlad ng tao - ang lipunang namamahala sa sarili.
Sa pamamagitan ng paglalagay ng lahat ng aming oras at mga mapagkukunan sa instrumentong ito para sa mga malayang indibidwal, taimtim kaming nagsusumikap upang makamit ang isang ideyal na lipunang pangangasiwaan ang sarili nito gamit ang lohikal at matematikang algoritmo at pagsusuri batay sa libu-libong taong karanasan ng umiiral na mga sibilisasyon. Nais naming makita ang pag-unlad ng mga walang pinapanigang korte at desentralisadong mga network na gagawa ng mga pagpapasya batay sa kapangyarihan ng isang Makataong Lipunan. Nais naming makita ang tunay na namamayaning kapangyarihan ng mga tao batay sa katotohanang ang batas ay nilikha ng masa at hindi lamang ng iilang mga indibidwal na makikinabang dito. Nais naming makita ang isang pandaigdigang desentralisadong pagboto at reperendum na sistema batay sa kriptograpiya at matematika. Ang hinaharap ay ipinanganak sa mismong sandaling ito at ang kontribusyon ng bawat indibidwal sa ligtas na instrumento ng komunikasyon ay makatutulong sa amin nang malaki upang maging malapit sa isang tunay na makatao, ganap na libre at desentralisadong lipunan.